Flash News
Mail Instagram Pinterest RSS
Menu
  • Sorsogon News Online

    A social news network where stories inspire community engagement and cater local news in the province.

    Mail Instagram Pinterest RSS

Handaang Pinoy tuwing Pasko

Ilang araw na lang at Pasko na. By this time, many are getting busy sa kung anong ihahanda
pagdating ng big day.

Here is our list of food na sumisimbolo ng Paskong Pinoy:


• BIBINGKA

Nobyembre pa lang ay bumibida na ang bibingka at nagpapahiwatig na parating na ang Pasko. Niluluto ito sa uling sa ilalim at ibabaw ng palayok na pinaglalagyan nito.

Marami ng bersyon meron ito ngayon.

But did you know na may pinakamatindi sa lahat na version ay yung matatagpuan mo sa Pateros — ang bibingkang abnoy kung saan pinalitan ang fresh eggs ng mga unfertilized duck eggs.






• PUTO BUMBONG 


Putong gawa sa loob ng bamboo tube ang literal na ibig sabihin ng puto bumbong.

Isa ito sa number one na hinahanap tuwing Pasko.




• LECHE FLAN

May Spanish origins ang leche flan, pero hindi gaya ng original, ang Pinoy leche flan ay mas creamy at mas maraming itlog ang gamit sa paggawa.

Pwedeng tawaging king of Filipino desserts dahil sa pagiging la-ging present nito sa halos lahat ng importanteng okasyon, lalo na ang Pasko.


• HAM 

Hindi raw kumpleto ang Noche Buena pag walang ham sa hapag. Kahit ano mang tatak niyan, mumurahin man o yayamanin na ham, kadalasan siya ang bida sa handaan.






• FRUIT CAKES

Original na bersyon ng fruit cake ay gawa sa mga dried nuts at candied fruit na usually Ibi-nabad sa wine.

 Another version that needs no cooking ay ang paggamit ng graham crackers, whipped cream, gulaman and your choice of fruits bilang toppings.





• KESO DE BOLA

Originally sa The Netherlands galing ang kesong ito na mukhang higanteng mansanas dahil sa kulay pulang balot nito.

Nakabalot sa paraffin ang keso na ito para mas madaling iangkat at hindi agad mapanis.

Masarap itong kapartner sa pagdating ng umaga ng Pasko kasabay ang pandesal.


• LECHON

Kung ang ilan ay ham ang gustong bida sa Noche Buena, may ilan naman na idedebate na mas Pinoy na Pinoy ang paghahanda ng lechon (o lechon manok) sa hapag kainan.







• 12 FRUITS

One healty offering tuwing Pasko ay ang basket of fruits na pampaalis ng umay sa mga matataba at mamantikang pagkain.

Traditional na rin sa handaang Pinoy na meron kang 12 klaseng prutas sa hapag tuwing magbabagong taon.






Handaang Pinoy tuwing Pasko
By: Djan Magbanua 

Published last Dec. 12, 2018 by Libre.Inquirer.Net

0 comments:

Post a Comment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.