Viral ngayon: Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang bodega sa Gubat


Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kasunod ng pag-aabandona sa isang bagong panganak na sanggol sa Gubat, Sorsogon.


Image may contain: one or more people and people sittingAyon sa ulat, nadiskobre ang babaeng sanggol sa isang bodega sa Barangay Bagacay sa nasabing bayan.

Nakabalot lamang sa plastic ang sanggol nang matagpuan ng isang residente na kaagad namang dinala sa hospital ang bata upang masuri ng doctor ang kondisyon nito.

Sa ngayon, nasa ligtas na kondisyon na ang bata habang patuloy na pinaghahanap ang nasa likuran ng pag-aabandona nito.

Nag-ani naman ng batikos sa mga netizen ang nasabing insidente makaraang magviral ito sa social media.
Viral ngayon: Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang bodega sa Gubat Viral ngayon: Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang bodega sa Gubat Reviewed by Sorsogon-News on 12:57 PM Rating: 5

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.