GUIDELINES UNDER GCQ, INILABAS NG LGU CASIGURAN

Isang executive order ang inilabas ng Casiguran Mayor Edwin Hamor sa kanyang mga kababayan na ipapasunod epektibo Mayo 1 na nagsasaad ng guidelines na dapat sundin sa ilalim ng general community quarantine.

Kabilang sa EO ang pag-alis sa window hour sa mga Public Market, grocery stores, agriculture and pet shops ngunit kinakailangan pa rin na may ipapakitang GCQ pass ang mamimili.

Pinapayagan na rin ang pagbabalik trabaho ng mga obrero sa kondisyon na may dala ang mga ito ng kaukulang ID at certification galling sa barangay.

Mananatili din ang ipinapatupad na curfew habang ang mga indibidwal na edad 21 hanggang 59 anyos ang papayagan lang na makalabas sa bahay upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.

Pinapayagan na rin na makabyahe ang mga pampublikong sasakyan sa kondisyon na mahigpit na sundin at ipapatupad ang social o physical distancing at ang pagamit ng face mask.

Lilimitahan din sa 10 pasahero ang sakay sa mga namamasadang jeep habang dalawang pasahero lamang sa tricycle.

Mahigpit din na ipapasunod ng LGU ang limitadong bilang at nakaschedule na byahe ng mga public utility vehicles at dapat regular na pasahe ang sisingilin sa mga pasahero.

Maliban ditto, kinompirma ng Casiguran Municipal Information Office na bibigyan ng LGU ng libreng gaas o krudo ang mga namamasadang jeep at tricy, epektibo Mayo 1.




GUIDELINES UNDER GCQ, INILABAS NG LGU CASIGURAN GUIDELINES UNDER GCQ, INILABAS NG LGU CASIGURAN Reviewed by Sorsogon-News on 4:38 PM Rating: 5

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.