Gov. Chiz Escudero may panawagan sa publiko matapos na makapagtala ng Covid-19 case ang Sorsogon


Nanawagan sa publiko si Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero na iwasang mag-panic makaraang makapagtala ang lalawigan ng Sorsogon kauna unahang nagpositibong kaso sa coronavirus disease (COVID-19).

Siniguro ng gobernador na patuloy ang ginagawang contract tracing ng pamahalaang panlalawigan sa posibleng nakasalamuha ng nagpositibong seafarer kung saan sa katunayan nasa quarantine facility ang karamihan sa 20 indibidwal na nagkaroon ng closed contact sa biktima.


Una ng pinangalanan ni Gov. Chiz si Romegio Cruz ng Brgy. Caloocan Poblacion Matnog na kauna unahang COVID-19 patient sa probinsya na lumagda sa isang waiver na ilalabas ang kanyang pangalan upang mas maging mabilis ang isinasagawang contact tracing.

Sa opisyal naman na pahayag ng Provincial Health Office Sorsogon, sinabi nito na si Cruz ay nagtatrabaho sa isang cruise ship at dumating sa bansa galling Miami USA noong April 1, 2020 at nag quarantine sa isang hotel quarantine facility.

Sa ika-11 na araw ng quarantine, pinayagan itong maka uwi at ituloy ang quarantine sa kanyang bahay sa Barangay Alapan 2a Imus Cavite at nabigyan ng medical certificate ng RHU kung kaya umuwi sa Sorsogon gamit ang isang pribadong sasakyan.

Dumating sila sa Sorsogon noong May 2, 2020 at derecho silang pinatuloy sa quarantine facility ng Matnog kasama ang driver at dalawang kasama sa sasakyan.

Nagpositibo sa Rapid Antibody Test si Cruz sa ika-anim na araw ng quarantine kung kaya inilipat sa Sorsogon Provincial Hospital upang sumailalim sa RT-PCR confirmatory test.

Binigyang diin din ng PHO Sorsogon na ang kasong ito ay nanggaling sa labas ng lalawigan ng Sorsogon at hindi pa ito nakakauwi sa kanilang bahay.

Sa kabilang dako, nagsagawa ang COVID Buster Team ng provincial government ng disinfection and sanitation operation upang maiwasan ang possible pang pagkalat ng Corona Virus Disease (COVID-19).


Tumulak ang grupo sa Matnog National High School upang magsagawa ng pag-disinfect sa quarantine facility na matatagpuan sa looh ng campus na unang pinagdalhan ng COVID-19 positive case sa lalawigan upang magsailalim sa mandatory quarantine.

Tumagal ng halos 15 minuto ang ginawang disinfection procedure alinsunod sa nagging kautusan at inilabas na guidelines ng Provincial Health Office (PHO).

1 comment:

  1. Ay sus ang tao sa sorsogon takut na takot wala naman dapat katakutan. Mga baggage sila

    ReplyDelete

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.