Pharmacy owner huli sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Sor. City



Huli ang isang pharmacy owner sa Sorsogon City dahil sa pagbebenta ng overprice na alkohol kasunod ng isinagawang entrapment operation ng mga otoridad.

Kinilala ang negosyante na si Angelo Lagamayo Benzon, 48 anyos, residente ng BrgyTugos, Sorsogon City at pagmamay ari ng  ERL Pharmacy na matatagpuan sa Magsaysay Street, Brgy. Sulucan, Sorsogon City.


Ayon kay Police Lieutenant Colonel Benito E Dipad, Chief of Police ng Sorsogon City Police Station, inaresto ang mga ito dahil sa pagbebenta ng  mas mahal na presyo kaysa sa suggested retail price ng alkohol.

Narekober sa mga ito ang isang gallon ng 70% solution Zach Isopropyl Alcohol, 22 gallon ng 70% solution Isopropyl Alcohol, Php 1,000.00 bill na ginamit bilang entrapment money at sales invoice na nakapangalan sa nasabing parmasya na may petsang Mayo 15, 2020.

Kasama din sa  inaresto an pharmacy assistant na si Denely Alarzar, 22 anyos, residente ng Brgy Miluya, Castilla, Sorsogon.

Pharmacy owner huli sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Sor. City Pharmacy owner huli sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Sor. City Reviewed by Sorsogon-News on 3:52 PM Rating: 5

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.