SORSOGON AT 4 PANG LALAWIGAN SA BICOL ISASAILALIM SA MODIFIED GCQ SIMULA JUNE 1



Isasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Sorsogon at apat pang lalawigan sa Bicol simula sa Hunio 1 hanggang 15.

Kabilang sa nasabing mga probinsya ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Masbate gayundin ang mga lungsod ng Naga at Legazpi.

Batay sa IATF Resolution Number 40, tanging ang lalawigan ng Albay ang mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) o nasa kategoryang moderate risk dahil sa mataas na kaso ng Covid-19 sa nasabing lugar.

Ibinaba sa klasipikasyon na MGCQ ang Sorsogon dahil sa ang lugar na ito ay nasa ilalim ng klasipikasyong low risk sa COVID-19 infection

Inaasahan ang pagpapalabas ng bagong executive order ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon upang maging gabay ng publiko habang nasa ilalim ng naturang klasipikasyon ang probinsya.

No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.