2 PRIBADONG SASAKYANG NAHARANG NG MGA OTORIDAD NA MAY LULAN NG MGA PASAHERONG GALING SA METRO MANILA NA WALANG KAUKULANG DOKUMENTO


Matapos ang isinagawang malawakan na surviellance at operational planning, naharang ng mga tauhan ng Regional Law Enforcement Unit ng Land Transportation Office (LTO) Region 5 Operations Division ang dalawang pribadong sasakyan na iligal na nagbabyahe sa kabikulan o kolurom.

Sa ulat ng LTO Bicol, ang dalawang SUV ay galling sa Pasay City, sakay ang mga pasahero na walang dalang kaukulang dokumento gaya ng medical certificates and clearances upang payagang makauwi sa Bicol alinsunod sa inilabas na guidelines ng Inter Agency Taskforce o IATF.

Kasunod nito, panawagan ng mga otoridad sa publiko lalong lalo na sa mga brgy official na maging mapagbantay at kaagad na isumbong ang mga bagong dating na kababayan sa kanilang lugar upang masiguro na sumunod ang mga ito sa protocol na gobyerno para maiwasan ang possible pang pagkalat ng coron virus desease.

Sa kabilang dako, balik operasyon ngayong araw ang opisina ng LTO Sorsogon makaraang pansamantalang suspendihin ang mga transaksyon nito sa nakaraang dalawang araw kasunod ng nangyaring power service interruption.

No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.