NPA, NAGLUNSAD NG MGA PAG-ATAKE SA BIKOL

Contributed Photo


Naglunsad ng sunod sunod na pagatake ang mga pinaniniwalaang miembro ng rebeldeng grupong New Peoples Army sa iba’t ibang bahagi ng rehiyong Bicol.

Unang pinasabugan ng mga rebelde ang military truck na papunta sana sa Matnog port sa may bahagi ng Bgy Casini, Irosin Sorsogon.

Maswerteng walang nasugatan sa mga miembro ng scout ranger na kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operation.

Sa lalawigan ng Masbate, pinasabugan ng improvised explosive device ng mga NPA ang gusali ng Rancho Esperanza Ltd. Corporation na nagsisilbing taguan ng mga coal power plant equipment na matatagpuan sa Brgy. Cabangrayan sa bayan ng Pio V Corpus habang pinasabugan naman ang isang barangay ambulance ng Brgy Armenia Uson nang dumaan ito sa bayan ng Mobo.

Sa kabilang dako, isang miembro ng Phil. National Police ang nasawi habang tatlong kasamahan nito ang sugatan sa nangyaring ambush na nauwi sa engkwentro sa Jovellar, Albay.

Kinilala ang napaslang na si Patrolman Emerson Belmonte habang ang mga sugatan ay sina PCpl Marlon Beltran, Patrolman Roy Resurreccion, at si Pat John Mark Paz.

Kasunod nito, itinaas na ng pulisya ang alerto nito sa kabikulan upang mapaghandaan ang mga ginagawang opensiba o pagatake ng mga rebelde.

No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.