DEPED: BILANG NG MGA ENROLLED STUDENTS SA BICOL, HIGIT NA SA KALAHATING MILYON


Higit na sa kalahating milyon ang bilang ng mga mag aaral sa kabikolan ang kasalukuyan ng naka enroll.

Ayon kay Mayflor Jumamil, tagapagsalita ng Department of Education  Bicol, mula Hunyo-15 ay umabot na sa 577, 077 na mga mag aaral sa Elementarya, High School, Pre-School at Alternative Learning System ang nakapag enroll na para sa School year 2020-2021.

Mula sa naturang bilang, 31, 077 ang sa kindergarten; 258, 270 sa elementarya; 194, 530 sa Junior high School; 85, 182 sa Senior High School; 2, 832 para sa learners with Disablity; at 6, 186 naman para sa Alternative Learning System.

Inaasahan pa sa ngayon ang pagdagdag ng naturang bilang dahil na rin sa pagsisimula ng drop box enrollment noong lunes sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Itinakda naman ng Deped sa Hunyo 30 ang huling araw ng enrollment period para sa school year 2020-2021.


No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.