NATURAL PARK AT IBAPANG PASYALAN SA BULUSAN, NANANATILING SARADO SA PUBLIKO





Nanatiling sarado sa publiko ang mga kilalang pasyalan at resort sa bayan ng Bulusan sa kabila ng nasa Modified General Community Quarantine na ang probinsya.

Sa inilabas na travel advisory no. 4 ni Bulusan Mayor Michael Guysayco, sinabi nito na hindi pa pinapayagan ang publiko na pumunta o magbisita sa Bulusan Lake, Bulusan Volcano Natural Park at Dancalan Beach, until further notice.

Maging ang mga pribadong resort sa munisipio ay mananatiling sarado sa publiko at papayagan lamang ang pagbabalik operasyon ng mga ito sa oras na masunod ang inilabas na minimum health and safety standard na sinertipikahan ng LGU.

Tiwala din ang alkalde sa kooperasyon ng publiko upang masiguro ang kaligtasan ng lahat lalong lalo na ngayon na patuloy pa rin ang laban ng pamahalaan sa corona virus.




No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.