ONLINE ENROLEES NG SNHS UMABOT NA SA HIGIT ANIM NA LIBO


Umabot na sa higit anim na libo ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll sa Sor. National High School mula ng umarangkada ang online enrollment ng Dept. of Education ngayong Hunyo.

Sa facebook post ng SNHS, sinabi nito na nasa 6,382 na ang nakapag-enroll sa kanila simula a-uno hanggang a-9 ng kasalukuyang buwan.

4,133 sa nasabing bilang ay mga enrolles sa grade 7 to 10 habang nasa 2,249 ang nagpa enroll sa grade 11 to 12.

Una ng nagtapos kahapon, June 11 ang isinagawang pre-registration ng SNHS sa grade 7 special program maging sa grade 11 ABM, STEM, HUMMS at ICT strands habang pansamantalang ipinagpaliban ng paaralan ang nakatakda sanang  ang admission examination para sa grade 7 at 11 gayundin angskills test for ICT grade 11 alinsunod sa IATF resolution no. 43 na nag-iistrikto sa paglabas ng bahay ng mga indibidwal na nag-eedad 20 anyos pababa.

No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.