PAGAMIT NG MODULAR CLASS, MAS PINABORAN NG KARAMIHAN - DEPED


Kinompirma ng Dept. of Education Sorsogon na mas maraming estudyante at magulang sa lalawigan ng Sorsogon ang mas nagnanais na gamitin ang module sa pag-aaral ng mga estudyante kasunod ng nakatakdang pagbabalik klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto.

Ayon kay School Division Supt. Jose Doncillo, ito ang lumabas sa isinagawa nilang survey learning of materials para sa mga guro at mag-aaral kung ano ang kanilang gagamitin sa pagtuturo o pag-aaral ng mga bata.

Isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili ang nasabing sistema ng pagtuturo ay dahil sa mahina o kawalan ng internet connection.

Paliwanag ni Doncillo, may apat na option na posibleng gamitin sa pagtuturo ng mga bata o pag-aaral tulad ng Face to Face (F2F), Modular o printed, Educational Television and Radio, Home-Based Learning o online at offline class.

No comments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.