Bulan Municipal Councilor Joey Guban, nasa maayos ng kondisyon makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan

Sinasakyan na Ford Raptor ni Konsehal Guban (Photo Grab from Journalists League of Bulan FB Post)



Nagpapagaling na sa sinapit na bugbog, pasa at galos sa katawan si dating 2nd District Provincial Board Member at kasalukuyang Bulan Municipal Councilor Joey Guban matapos maaksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bacolod, Juban, Sorsogon.

Ayon sa ulat, sakay ng minamanehong Ford Raptor ang konsehal at pauwi na sana ng Bulan galling sa lungsod ng Sorsogon ng aksidenteng mabangga nito ang nakaparadang 10-wheeler truck sa naturang lugar.

Milagrong nakaligtas si Konsehal Guban sa aksidente dahil sa halos mayupi na ang unahan na bahagi ng sasakyan nito.

Sapul sa nasabing aksidente ang kaliwang bahagi ng sasakyan ng konsehal.

Kaagad din na nadala ang opisyal sa Irosin District Hospital at nakauwi na ng kanilang bahay dahil sa minor injury lamang ang sinapit nito.


Nabanggang truck ng sinasakyan ni Bokal Guban



Bulan Municipal Councilor Joey Guban, nasa maayos ng kondisyon makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan Bulan Municipal Councilor Joey Guban, nasa maayos ng kondisyon makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan Reviewed by Sorsogon-News on 4:36 PM Rating: 5

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.