Hemodialysis technician ng MetroHealth na una ng nagpositibo sa Covid-19, nakatakda ng makalabas sa ospital


Kinompirma ng Metro Health Specialist Hospital ang nakatakdang pag-discharge sa kanilang empleyado na tinamaan ng Covid-19 makaraang magkaroon ng direct exposure sa namatay na covid patient.

Sa press statement na inilabas ni Dr. Khem Perez, Pangulo at CEO ng MetroHealth, sinabi nito na muling makakabalik sa kanyang trabaho si Fabian Deuna o Bicol#143 sa oras na makompleto ang 14 day quarantine alinsunod sa protocol na inilabas ng Provincial Epedemiologic Surveillance Unit.

Ayon pa kay Dr. Perez, nakatakdang umuwi sa kanilang tahanan si Deuna sa Mierkules, Hulyo 15.

Una ng kinompirma ng opisyal na nagnegatibo ang lahat ng empleyado na nagkaroon ng direct contact sa nasabing hemodialysis technician kasunod ng isinagawang swab test sa mga ito.






Hemodialysis technician ng MetroHealth na una ng nagpositibo sa Covid-19, nakatakda ng makalabas sa ospital Hemodialysis technician ng MetroHealth na una ng nagpositibo sa Covid-19, nakatakda ng makalabas sa ospital Reviewed by Sorsogon-News on 5:09 PM Rating: 5

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.